Grassfire, pangunahing nire-Respundihan ng BFP Lingayen

Kinumpirma ng fire marshal ng bayan ng Lingayen, Pangainan na ngayong taon ang kadalasan nilang nirerespundihan ay grassfire at ang pagkasunog ng dumpsite.

Sinabi ni SF04 Charmy Ocampo ng Bureau of Fire Protection (BFP) Lingayen na ang sarado ng dumpsite sa barangay Quibaol ay nasusunog kapag mainit ang panahon.

Kinumpirma ni Ocampo na sampung beses na silang rumerespundi sa dumpsite para apulain ang apoy.

Sa ngayon ay dalawang fire truck ang ginagamit ng bumbero sa bayan ng Lingayen para rumespondi sa mga sunog.

Kasabay ng unang araw ng Fire Prevention Month ngayong taon ay ang paglulunsad ng bfp lingayen ng kanilang dalawang hotline cellphone numbers.

Speak Your Mind

*