Grupo ng mga mananakay, pumalag sa flagdown rate na inaprubahan ng LTFRB

Pinalagan ng grupo ng mga mananakay ang mga programang inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Elvira Medina, pangulo ng National Center for Commuter’s Safety and Protection, hindi lang sa trenta pesos na flag down rate tutol ang mga taxi drivers at operators kundi sa iba pang programang nilagdaan ngayon ng ahensya.

Sa panayam ng dzar sonshine radio kay Medina, sinabi nito na bukod sa 30 pesos na flag down rate, kabilang aniya sa programa na inaprubahan ni LTFRB Chairman Winston Ginez ang pagpapahaba ng mga susunod na karagdagang kilometro.

Tutol din ang grupo ng mga dirver at operators sa pagpapahaba ng LTFRB sa waiting time dahil binawasan naman ang singil sa kada kilometro.

Ani Medina, mawawalan ng Otsenta’y Singko pesos ang bawat driver sa kada pasahero na isasakay sa unang sampung kilometro.a

Speak Your Mind

*