Hindi pagsusukli ng tama sa mga kostumer, mahigpit ng ipagbabawal

Ipagbabawal na ng batas ang hindi pagsusukli ng tama sa mga kostumer kahit gaano pa kaliit ang sukli nito.

Aprubado na ng Bicameral Conference Committee ang House Bill 4730 at Senate Bill 1618 na maprotektahan ang mga consumer mula sa unfair trade practices.

Inaatasan din ng nasabing panukalang batas ang mga business establishments na maglagay ng price tags sa mga panindang produkto.

Pagmumultahin naman ng 500 pesos hanggang 25,000 pesos o three percent hanggang ten percent ng gross sales ang mga establisimiyento.

Habang pagkansela naman sa operasyon kung pauli-tulit sa paglabag ang ipapataw sa mga may-ari ng negosyo.

Suportado ng Department of Trade and Industry (DTI) at Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagpasa sa naturang panukala.

Speak Your Mind

*