Ika-58 Nationwide Fire Prevention Month, pormal nang binuksan

Inumpisahan na ang Fire Prevention Month sa isang unity walk na may temang “Walk for a Fire Free and Firesafe Nation” na nilahukan ng mga BFP personnel at ng mula sa gov’t at private sectors.

Nanguna sa pagbubukas ng si Bureau of Fire and Protection(BFP) Chief FDir. Ariel Barayuga at DILG Usec. Peter Corvera.

Nilagdaan an gang grant contract sa pasisimula ng Fire Prevention Month ng mga kawani ng BFP at ng embahada ng Japan sa pangunguna ni Ambassador Kazuhide Ishikawa.

Sa ilalim ng kontrata ay ang pagkakaloob  ng Japanese Gov’t ng 7 ambulansya, 10 fire trucks at 1 rescue trucks na ipapamahagi sa Visayas Region.

Samantala ibat ibang mga aktibidad naman ang nakalinya na gagawin ng BFP sa buong buwan ng Marso upang maipabatid sa publiko ang kahalagahan sa pagiwas sa sunog.

Kabilang dito ay ang Fire safety awareness campaign, Information drive, Fire truck visibility, flyerings at marami pa.

Sa tala naman ng BFP, tumaas ang bilang ng mga sunog noong nakaraang taong 2015 sa 17,138 mula sa 15,897 noong 2014.

Nakapagtala  naman ngayong Pebrero ng 2,571 na fire incident sa buong bansa, kung saan ay 629 rito ay naganap sa Metro Manila.

Sa huli sinabi ni Barayuga na hindi magiging matagumpay ang pamahalaan sa kampanya laban sa sunog kung hindi makikiisa ang mamamayan sa kanilang adhikain.

Ang susi pa rin anya upang makaiwas sa mga sakuna dala ng sunog ay ang pagiging marunong ng bawat isa kung paano maiwasan ang sunog.

Report ni Admar Vilando

Speak Your Mind

*