Ilang sector ng turismo, nanindigan na hindi magtataas ng hotel rates

Nanindigan ang ilang sektor ng turismo na hindi sila magtataas ng hotel rates ngayong summer.

Ito ang tiniyak ni Robert Lim Joseph, president ng Network of Independent Travel & Allied Service Philippines at dating consul general ay dahil sa hindi naman nagtataas sa kanilang presyo ang kanilang suppliers kahit patuloy ang dagsa ng mga turista sa bansa.

Aniya sa kasalukuyan ang South Koreans pa rin ang pinakamataas na bilang ng mga turistang dumarating sa Pilipinas.

Samantala nangungunga naman sa tourist destinations ang Cebu, Bohol, Palawan, Sagada, Dumaguete at Boracay.

Speak Your Mind

*