Inisyal lineup ng Gilas Pilipinas para sa Olympic Qualifier, iisumite na

Nakatakda nang magsumite ang Samahang Basketbol ng Pilipinas ng inisyal na Gilas Pilipinas 24-man lineup, dalawang buwan bago ang Olympic Qualifier sa Rio Olympics.

Ito ay base na rin sa itinakdang rules and regulation.

Sinabi ni SBP Executive Director Sonny Barrios, mula sa 24-man lineup ay kailangan naman nilang pumili ng 16-man roster o final 12 kasama ang apat na reserves, 15 araw bago ang Olympic Qualifier na gaganapin sa Mall of Asia Arena mula July 5-10.

Dalawang araw naman bago magsimula ang opening ang deadline para sa 12-man cast.

Ang mga koponan ay hahatiin sa dalawang grupo para sa preliminaries kung saan makakasama ng Pilipinas sa isang bracket ang France at New Zealand at nasa kabilang grupo naman ang Canada, Turkey at Senegal.

Speak Your Mind

*