ISIS pinatawan ng parusang kamatayan ang walong Dutch Jihadist

Pinatawan ng Islamic State of irAq and Syria o ISIS ng parusang kamatayan ang walong miyembro nito na pawang mga Dutch Jihadist.

Ayon sa isang miyembro ng Citizen Journalist Group na Raqa is Being Slaughtered Silently o RBSS, naganap sa Raqa Province sa Syria ang pagpatay sa naturang mga Jihadist.

Nagtangka aniya ang mga ito na kumalas sa ISIS kaya pinatawan ng kamatayan.

Ayon pa sa RBSS, nagkaroon ng sigalot sa pagitan ng mga Dutch Jihadist at ISIS Intelligence Operatives bago ang naturang execution.

Hindi pa kinukumpirma ng Syrian Observatory for Human rights ang naturang ulat.

Speak Your Mind

*