Isyu sa laban ni Pacquiao, tatalakayin ng Comelec En Banc

Kabilang sa mga tatalakayin sa En Banc ngayong araw ng Commission on Elections ang isyu sa magaganap na laban ni Manny Pacquiao kay Timothy Bradley sa Abril a-nwebe.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, pag-aaralan ngayon ng En Banc kung mayroong paglabag sa naturang laban gayong tumatakbong senador si Pacquiao at ang laban ay pasok sa panahon ng kampanya.

Paliwanag ni Bautista, malinaw na kailangang lumiban muna sa trabaho o mag-resign ang mga TV at Radio personalities sa campaign period.

Ang malaking isyu ngayon, ani Bautista, ay ang pag-broadcast sa naturang laban dahil sa makakakuha ang boksingero ng malaking bentahe sa exposure.

Ani Bautista, inaasahan nilang may mabubuong desisyon ang Comelec en Banc bago ang laban sa Abril a-nwebe.

Speak Your Mind

*