Kakulangan ng suplay ng bigas, nararanasan ngayon- FNRI-DOST

Nakakaranas ngayon sa Pilipinas ang kakulangan ng suplay ng bigas.

Ito ang sinabi ni Dr. Imelda Agdeppa, Assistant Scientist ng FNRI-DOST at payo nito sa mga mamamayan na huwag masyadong maaksaya ng broken rice.

Sa panayam ng sonshine radio ay idinagdag ni Agdeppa na kadalasan ng itinitindang broken rice ay pagkain ng aso at manok.

Binigyang diin ni Agdeppa na kung sakaling magkaroon ng talagang krisis ng bigas sa bansa ay dapat mag-isip ng rice substitute gaya ng kamote, kamoteng kahoy at patatas.

Sa ngayon aniya ay maraming teknolohiya na magagamit sa paggawa ng magagandang produkto.

Speak Your Mind

*