Kapag bibili ng mga appliances, dapat tignan ang yellow card – DTI

Inaabisuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mamamayan na ugaliing tignan ang energy guide labels o yellow cards ng mga binibiling appliances para makatipid ng konsumo sa kuryente.

Ayon kay Engr. Peter Mangabat, Provincial Director ng DTI-Pangasinan, dapat ang bilhin ng konsumers ay mga appliances na mataas ang Energy Efficiency Factor (EEF).

Paliwanag ni Mangabat na kapag mataas ang EEF ng isang appliances ay mas mababa ang babayarang konsumo sa kuryente kapag ito ay ginamit.

Dagdag niya na ang mga konsumer na batid ang kanilang dapat gawin sa pagbili ng mga kagamitan para makatipid sa konsumo kuryente ay masasabing best protected dahil batid nila ang kanilang karapatan upang mabatid ang nararapat na impormasyon bilang konsumer.

Speak Your Mind

*