Kaso ng chicken pox, unti-unti nang tumataas sa Binmaley

Unti-unti nang tumataas ang kaso ng chicken pox at bulutong-tubig sa bayan ng binmaley, pangasinan ngayong ramdam na ramdam na ang epekto ng tag-init.

Ayon kay Dr. Glaudencia Manaois ang Municipal Health Officer ng Binmaley, mga batang magkakalaro ang kadalasang tinatamaan ng bulutong tubig dahil mabilis itong kumalat at magkahawa-hawa.

Ganunpaman, wala naman umanong pinipiling edad ang nagkakasakit ng chicken pox dahil isa itong airborn disease.

Pinayo naman ni Manaois na panatilihan ang malinis na kapaligiran upang maiwasan ang naturang sakit, at magsuot lang mga komportableng damit at maligo araw-araw dahil sa init ng panahon ngayon

Bukod naman sa bulutong tubig mataas din ang kaso ng sore eyes at mumps o beke.

Speak Your Mind

*