Kaso ng dengue sa Pangasinan, tumaas ng pitong porsyento – PHO

Tumaas ng pitong porsyento ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan ngayong Enero hanggang Pebrero a-bente nuebe kumpara noong nakaraang taon.

Ito ang kinumpirma ni Provincial Health Officer Dr. Anna de Guzman kung saan aabot sa 426 cases ang kaso ng dengue sa nabanggit na mga buwan ngayong taon, kumpara sa 397 na kaso noong nakaraang taon sa parehong mga buwan.

Kabilang naman ang mga lugar sa Pangasinan sa may mataas na kaso ng dengue ay ang bayan ng Asingan, San Manuel, Bayambang, San Carlos City, Lingayen, Sta. Maria, Pozorrubio, Calasiao, Malasiqui, Manaoag, San Fabian at Alaminos City.

Payo ni de Guzman sa mamamayan na ugaliing maglinis ng kapaligiran para hindi mamalagi sa lugar ang lamok na nagdadala ng dengue virus.

Speak Your Mind

*