Konstruksyon ng evacuation centers sa Binmaley, puspusan

Kasalukuyan ang konstruksyon ng Evacuation Centers sa ilang barangay sa bayan ng Binmaley, Pangasinan.

Ayon kay Mayor Sammy Rosario, isinasagawa na ang first phase ng proyekto sa Balagan, Balogo, Caloocan Dupo, Pallas at Salapingao.

Sinabi ni Rosario na ito ay paghahanda kung sakaling magkaroon ng kalamidad lalo na sa mga nabanggit na lugar.

Bukod sa magiging evacuation area ang mga itinatayong proyekto ay maaari ring gamitin ang mga ito kapag may aktibidad o programa sa barangay.

Sa ngayon ay tapos na rin ang phase one ng evacuation centers sa Balogo, Baybay Lopez, Buenlag, Calit, Camaley at Malindong.

Speak Your Mind

*