Kris Aquino, pansamantalang mamamaalam sa telebisyon

Pansamantalang mamamaalam sa mundo ng telebisyon ang kapamilya actress at TV host na si Kris Aquino.

Ito ay dahil umano sa kundisyon ng kanyang kalusugan.

Sa isang post ni Kris sa kanyang instagram account ay sinabi nito na kailangan siguraduhin na mayroong malusog na nanay sina Josh at Bimby.

Una nang sinabi ng aktress na nangangamba ito sa kanyang kalusugan lalo na’t ang pagiging hypertension ang naging dahilan sa pagkamatay ng kanyang ama na si Benigno Aquino, Jr.

Gayunman, umaasa pa rin ang presidential sister na makakabalik ito sa telebisyon na may 100 percent na healthy heart.

Sa ngayon ay plano ni Kris na ituon ang kanyang sarili sa pag-aasikado sa kaniyang mga negosyo para sa pangangailangan nilang mag-iina.

Speak Your Mind

*