Libo-libong mga Dabawenyo’s, nagpakita ng suporta sa Duterte–Cayetano Tandem sa “Araw ng Dabaw”

Libo-libong mga dabawenyo’s ang nagpakita ng suporta sa Duterte–Cayetano Tandem sa isinagawang grand rally kahapon sa lungsod ng Davao.

Kanya-kanyang pagpapakita ng suporta ang mga Dabawenyo’s sa kanilang alkalde sa pamamagitan ng pagsuot ng damit na may nakasulat na Duterte habang ang iba naman may bitbit na streamer, placards, at posters.

Itinuturing naman na kakaiba sa lahat ng naging pagdiriwang ng “Araw ng Dabaw” ang ika-Pitumpu’t Siyam na Anibersaryo nito dahil mas mataas na posisyon na ngayon tatakbuhan ng kanilang alkalde na halos dalawampung taong nanilbihan sa lungsod.

Isa sa mga naging highlights ng naturang rally ang pagsasagawa ng candle lightning ng mga taga-suporta ng Duterte-Cayetano Tandem.

Muli naman hiniling ni Duterte sa mga kababayang Dabawenyos na kung hindi nila iboboto si Cayetano bilang bise-presidente ay wag na lang din aniya siyang iboto ng mga ito.

Ilan naman sa nagbigay ng aliw sa naturang grand rally ay ang Mocha Girls at ang OPM Hitmen.

Speak Your Mind

*