Limang bayan sa Pangasinan, apektado na ng El Niño

Limang bayan na sa lalawigan ng Pangasinan ang epektadoo ng nararanasang el niño phenomenon sa bansa.

Kinabibilangan ito ng bayan ng Mangaldan, Calasaio, Mapandan, Sta. Barbara, Malasiqui at lungsod ng Dagupan na nakakaranas nang kawalan ng sapat na patubig sa mga sakahan

Marami ng sakahan sa mga apektadong bayan ang halos hindi na mapakinabangan ang mga pananim lalo na ang palay.

Aminado ang National Irrigation Administration (NIA) Region i na marami ng sakahan sa pangasinan ang hindi na naabutan ng patubig dahilan sa pagkalugi na rin ng maraming mga magsasaka.

Sa ngayon patuloy ang monitoring ng nia kasabay nang paggawa ng mga hakbang upang matulungan ang mga magsasaka sa kakapusan ng patubig sa kanilang mga sakahan.

Speak Your Mind

*