Livelihood assistance program ng PPO para sa mga kababaihan, patuloy

Patuloy ang mga programa ng Provincial Population Office o PPO sa kapakanan ng kababaihan sa lalawigan ng Pangasinan

Ayon kay Ellsworth Gonzales, PPO Officer ng Pangasinan, sa pamamagitan ng Provincial Livelihood Assistance Program naaabot ang lahat ng samahan ng mga kababaihan hanggang sa mga bara-barangay.

Bahagi na aniya sa mga programa ang pagpapahiram ng puhanan sa samahan ng kababaihan upang mapalago ang kanilang kabuhayan at pagnenegosyo.

Pamamaraan din umano ito upang maging produktibo ang mga kababaihan, makatulong sa pamilya at makatugon sa pangangailangan ng kanilang mga anak.

Sinabi naman ni Gonzales na upang makabilang sa beneficiaries ng Provincial Livelihood Assistance Program kinakailangang ang isang womes organization ay accredated ng Securities and Exchange Commission (SEC), Cooperative Development Authority (CDA) o maging ng Department of Labor and Employment (DOLE)

Speak Your Mind

*