LTFRB, tiniyak na walang pagtataas ng pamasahe sa kabila ng oil price hike

Walang magaganap na pagtataas ng pamasahe sa kabila ng oil price hike.

Ito ang tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Ani LTFRB Board Member Ariel Inton, walang pagtaas ng pamasahe sa mga lugar na nagpatupad ng bawas-pasahe sa mga Public Utility Jeepneys (PUJ) sa kabila ng sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon pa sa opisyal, wala pa silang natatanggap na petisyon mula sa mga transport group na humihingi ng dagdag-pasahe.

Nilinaw naman ni Inton na mahabang proseso pa ang pagdadaanan bago muling maitaas ang pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Speak Your Mind

*