Mahigit 600 kababaihan, nakiisa sa Buntis Day sa Dagupan

Aabot sa 600 na kababaihan ang nakiisa sa Buntis Day na ginanap kahapon sa isang mall sa lungsod ng Dagupan.

Sa nasabing aktibidad ay nabigyan ang mga butis ng libreng serbisyo gaya ng pre-natal, CBC, blood typing, urinalysis, blood sugar check-up, gayundin ang counselling, at obstetrical ultra-sound.

Nagkaroon din ng pagtalakay patungkol sa pre-natal care, wasto at tamang nutrisyon, breast feeding at ang HIV sa pagbubuntis.

Bahagi rin ng programa ang search for Ms. Buntis 2016.

Ang tema ay “Tamang Kaalaman para sa Ligtas at Malusog na Pagbubuntis.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Philippine Obstetrical and Gynecological Society of Region One, Philippine Medical Society – Pangasinan Chapter at ng Dagupan City Health Office.

Ang pagdiriwang ng Buntis Day ay nasa ika-labing tatlong taon na mula nang ilunsad ito noong 2004.

Speak Your Mind

*