Maine Mendoza, tinanghal na best social media influencer

Kinilala bilang Best Social Media Influencer at Online’s Choice si Maine Mendoza A.K.A. YAYA Dub, ng nuffnang awards 2016.

Ang Nuffnang Awards ay bahagi ng Blogopolis 4D, ang tinuturing na biggest blog and social media conference.

Ayon sa nasabing social media network, ang natanggap na award ni Maine ay dahil sa kinabibilangan nitong kalyeserye ng Eat Bulaga na naka-generates ng average 4 million mentions sa regular day ng social media.

Pero dahil sa hectic schedule, nagpadala na lang isang recorded video message si Maine sa mga taong nasa likod ng kanyang bagong parangal.

Samantala, dahil sa natanggap na parangal hindi daw kataka-taka na maging target na si Maine ng mga cyber hackers dahil sa pagiging maimpluwensya nito sa social media.

Speak Your Mind

*