Malakanyang, iginiit na hindi dapat matuloy ang 5 days pork holiday

Iginiit ng Malakanyang na hindi dapat matuloy ang banta ng mga hog raisers na magsasagawa ng limang araw na Pork Holiday.

Ito ay kaugnay sa talamak na smuggling ng imported na karne sa Bureau of Customs (BOC).

Una nang ipinaabot ng mga hog raisers kay Pangulong Noynoy Aquino ang kanilang reklamo bunsod ng pagdami ng mga imported na karne sa merkado.

Umaapela din ang mga magbababoy na dapat higpitan ng pamahalaan ang pag-iinspeksyon sa mga kargamento ng mga importers na nagdedeklarang limang porsyento hanggang sampung porsyento ang babayarang taripa.

Samantala, iminungkahi naman ni Agriculture Undersecretary Jose Reano na para walang illegal release sa mga inangkat na karne ay magkukumparahan ng resulta ang BOC at Department of Agriculture  kaugnay sa listahan ng mga cargo na lulan ng mga barko.

Matatandaang una nang hiniling ni Senador Cynthia Villar, Chairperson ng Senate Committee on Agriculture na dapat ay itaas ang taripa ng karne sa tatlumpu’t lima hanggang apatnapung porsyento.

Speak Your Mind

*