Mas mababang edad ng mga babaeng nabubuntis, naitala ng PPO-Pangasinan

Pumalo sa apat napung porsyento nang nasa edad labin apat hanggang labin siyam na mga kababaihan ang maagang nagsilang ng sanggol.

Batay umano ito sa isinagawang survey ng University of the Philippine Population Institute na tinawag na “Young Adult Fertility and Sexuality (YAFS) Study.

Sa naganap na KBP-Forum sinabi ni Ellsworth Gonzales, Provincial Population Office o PPO Officer na lumabas sa isinagawang survey na ang dahilan ng naitalang bilang ay dahil sa kawalan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan sa pagbubuntis

Karaniwang problema aniya rito ay ang pagkahumaling ng mga kabataan sa gadget at enternet.

Dahil dito, mas pinaigting ng Population Office ang kanilang kampanya kasama na ang information, education, at communication sa mga kabataan hindi lang ang mga nasa paaralan kundi lahat ng mga out of school youth sa mga barangay.

Speak Your Mind

*