Mas matinding init ng araw, asahan na PAGASA-Dagupan

Inianunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Dagupan na asahan na ang mas mainit na panahon sa susunod na mga araw.

Ayon kay PAGASA-Dagupan Chief Meteorological Officer Engr. Greg de vera, posibleng mas titindi pa ang init na nararanasang ngayon dahil sa inaasahang pagpalo ng init sa 40 degree celcius.

Nabatid na ngayong buwan ng Marso a-dose, naranasan sa lalawigan ang pinakamainit na temperature na pumalo sa 35 degree celcius dala narin ng nararanasang El Nino.

Kasabay nito, nagbabala naman ang mga health authorities sa sakit na heat stroke kung saan makakaranas ang isang tao ng panghihina, pag sakit ng ulo at pagkahilo.

Speak Your Mind

*