May-ari ng mga imported na sasakyan, dapat magbayad ng excise tax

Muling nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga    may-ari ng imported na sasakyan na maaari pang magbayad ng kanilang excise tax hanggang sa katapusan ng buwang kasalukuyan.

Ayon sa B-I-R, lahat ng mga sasakyan mula sa ibang bansa ay kailangang mag bayad ng Authority to Release Imported Goods bilang patunay ng kanilang excise tax payment.

Nakasaad sa Revenue Regulations 2-2016, na kukumpiskahin ng B-I-R ang mga sasakyan na walang excise tax payment.

Makikipag-ugnayan din ang B-I-R sa Land Transportation Office o LTO para alamin kung may mga sasakyan pang hindi nakakapagbayad ng kanilang mga dokumento.

Speak Your Mind

*