Mga campaign materials ni Mayor Duterte, gagawin gamit ang sako

Duterte PosterDahil sa kawalan ng sapat na pondo, mga gamit na sako na lamang ang gagamiting campaign materials ng mga taga-suporta ni Presidential Bet at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sahreen Alvarez, Provincial Coordinator ng Hugpong Federal Movement of the Philippines sa Tawi-Tawi, may 220 sako na siyang naipon para gawing campaign posters sa Davao.

Idinagdag pa ni Alvarez na medyo mahirap ang ganitong sitwasyon subalit nakahanda silang gawin ang lahat para kay Duterte na itinuturing nilang “the President of the Masses.”

Samantala, nakatakdang bisitahin ni Duterte ang lalawigan ng Pangasinan bukas Marso a-dos kabilang na rito ang bayan ng Lingayen, Binmaley at lungsod ng Dagupan.

Inaasahan rin magtutungo tandem si Duterte sa Vigan, Ilocos Sur sa March 3, sa Tabaco City sa Albay sa March 4, at sa Butuan City sa Marso a-singko.

Speak Your Mind

*