Mga illegal fishing, tutukan sa mga karagatang sakop Pangasinan

Mas paiigting ng bureau of fisheries and aquatic resources (BFAR) ang monitoring sa mga karagatang sakop ng lingayen golf upang matiyak ang produksyon ng isda sa Pangasinan.

Kabilang na rito ang pagbabantay laban sa mga illegal na pangingisda na mahigpit na ipinagbabawal sa ipinapatupad na batas.

Ayon kay BFAR Provincial Fishery Officer Glicerio Legaspi malaki ang epekto sa pagkaubos at pagkasira ng mga isda sa karagatan ang maling pamamaraan ng pangingisda.

Sinabi pa ni Legaspi na mayroon nang patrol boat na lumilibot sa Western Philippine Sea at Lingayen Golf para bantayan ang karagatan at mahuli ang mga nagsasagawa ng ilegal fishing.

Aniya, aabot sa walumpong libong pisong multa at pagkakulang ang maaaring kaharapin ang mahuhuling lumabag sa illegal fishing.

Speak Your Mind

*