Mga mangingisda sa Western Pangasinan, apektado na ng sigalot sa WPS

Aminado ang isang mambabatas sa lalawigan ng Pangasinan na apektado na ang hanap buhay ng mga mangingisda sa isyu ng pinag-aagawang West Philippine Sea (WPS).

Sa panayam ng sonshineradio, sinabi ni 1st District Congressman Jesus “Boying” Celeste na maraming mangingisda mula sa baybayin ng Bolinao hanggang Infanta ang nangingisda sa naturang lugar.

Ayon pa kay Celeste, natatakot ang mga mangingisda na pumalaot at mangisda sa pinag-aagawang isla dahil sa nararanasang pam-bu-bully ng Chinese vissel.

Bunga nito apektado aniya ang kita at hanap buhay ng mga mangingisda dahil napilitang ang mga itong mangisda sa mas malapit at mas mababaw na karagatan.

Apela naman ni Celeste, makipag-usapan na ang gobyerno sa China upang maayos na ang sigalot sa West Philippine Sea na pumapatay sa kabuhayan ng maliliit na mangingisda.

Speak Your Mind

*