Mobile PDOS para sa mga Filipino emigrants, isasagawa sa Pangasinan

Isasagawa ng Commission on Filipinos Overseas (CFO) Mobile Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) sa lalawigan ng Pangasinan sa Marso a-syete hanggang a-otso.

Ito ay paglalapit ng serbisyo ng CFO sa mga Pangasinense katuwang ang Provincial Employment Services Office (PESO).

Ayon kay PESO Chief Alex Ferrer ang Mobile PDOS sa nabanggit na petsa ay para laman sa mga permanent migrants.

Kabilang sa mga tatalakayin sa mobile PDOS ay patungkol sa patakaran sa pagbiyahe, immigration procedures, pagkakaiba ng kultura, at ang karapatan at obligasyon ng filipino emigrants.

Paliwanag ni Ferrer na malaking tulong ito para sa mga Filipino Emigrants na malaman ang mga dapat gawin sa pupuntahang bansa.

Nitong Pebrero ay nagkaroon rin ng dalawang araw na Mobile PDOS ang CFO sa Pangasinan.

Speak Your Mind

*