Mt.Pulag sa Benguet, off limits sa pag-akyat ng mga trekkers

Pansamantalang ipinagbawal ang pag-akyat sa tuktok ng pamosong Mt. Pulag sa bayan ng Kabayan, Benguet simula pa noong huwebes dulot ng masamang panahon.

Ang pagbawal sa pag-akyat ng mga trekkers ay iniutos ni Mt. Pulag Protected Area Superintendent Emerita Albas, kasabay ng pagpapasara sa Camps 1, 2, at 3 dahil sa nararanasang zero visibility na mapanganib para sa mga umaakyat ng bundok.

Nagpalabas na rin ng advisory si Andrew Alex Uy, Cordillera Office of the Civil Defense Director, na ipatigil pansamantala ang pag-akyat sa Mt. Pulag.

Bantug ang Mt. Pulag sa tinaguriang dagat sa kalangitan o Sea of Clouds sa pinakamataas na tuktok ng bundok sa Luzon.

Speak Your Mind

*