NFA-Western, hinikayat ng mga consumer na tangkilikin ang NFA rice

Muling hinihikayat ng National Food Authority o NFA-Western Pangasinan ang lahat ng mga rice consumer na tangkilikin ang NFA rice.

Iginiit ni Juliet Orias, Assistant Manager ng NFA-Western Pangasinan sa ginanap na KBP Forum ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas o KBP Pangasinan Chapter na wala nang pila saan mang pamilihan sa Pangasinan.

Maaari na rin aniyang makabili ng hanggang sa 25 kilograms ang kada consumer.

Maliban dito, bukas din ayon kay Orias ang NFA Warehouse sa lahat ng mga NFA accredited outlets na bumili nang hanggang sa allocated capitalization.

Kasabay nito, hinikayat nito ang mga publiko na magpatala para maka-avail at maging NFA Outlets sa Barangay dahil sa kanilang program na “Outside Market”

Speak Your Mind

*