OFWS Family Credit Cooperative, marami na gustong umanib

Kinumpirma ng Pangasinan Provincial Employment Service Office (PESO) na maraming interesado na maging miyembro ng OFWS Family Credit Cooperative.

Ayon kay PESO Chief Alex Ferrer, ang mga pwedeng maging miyembro ng kooperatiba ay ang mga miyembro na ng OFWS Family Association sa Pangasinan.

Kung maayos at epektibo ang management ng kooperatiba ay ito ang nakikitang magiging pinaka-malaking kooperatiba hindi lang sa pangasinan at rehiyon uno, kundi sa buong bansa.

Ito ay dahil marami ang OFWS sa Pangasinan kung saan ang dokumentadong ay aabot na sa mahigit 100,000.

Hindi pa kasali sa nabanggit na bilang ang mga undocumented, immigrants at permanent residence.

Speak Your Mind

*