One-child policy sa bansang China, patuloy na ipatutupad

Tuloy pa rin ang pagpapatupad ng One-Child Policy sa bansang China bagama’t pinayagan ngayong taon ang mga mag-asawa na magkaroon ng dalawang anak.

Ito ay dahil na rin umano sa mababang ekonomiya ng naturang bansa kumpara sa bilang ng kanilang populasyon.

Ayon Kay National Health and Family Planning Commission ng China na si Li Bin, base sa kanilang naitala noong isang taon, higit sa 1 bilyon ang inilobo ng populasyon ng China kumpara sa 320 milyon lamang ng Estados Unidos na siyang may pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo.

Dahil dito, hindi agad aniya mababago ang kanilang one-child policy na nakagisnan na simula pa noong 1970’s.

Speak Your Mind

*