Online Booking System, solusyon sa Port Congestion

costumPinawi ni Customs Commissioner Bert Lina ang pangamba ng mga customs broker at port truckers hinggil sa pagpapatupad ng Terminal Appointment Booking System (TABS).

Ayon kay Lina, ang layunin ng TABS ay magkaroon ng kaayusan sa pantalan at mawala ang port congestion.

Ayon naman kay Aduana Business Club President Mary Zapata, hindi ang TABS ang solusyon sa port congestion.

Gayunman, kanila aniyang oobserbahan ang implementasyon nito sa susunod na linggo kung magiging mabilis operasyon ay susuportahan nila ito.

Kahapon lang ay nagbanta ang grupo ng mga brokers at port truckers na magsasagawa sila ng isang linggong working holiday simula sa marso a-syete para tutulan ang tabs.

 

Speak Your Mind

*