Oplan Sumvac ng Pangasinan PNP, ikinasa na

Epektibo na ngayong linggo ang pagpapatupad ng Oplan Sumvac o Operation Summer Vacation ng Pangasinan Provincial Police Office o PPPO sa buong lalawigan.

Ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Provincial Director for Operation ng PPPO, inaasahan na nila ang pagsikip ng daloy ng trapiko at pagdagsa ng mga tao dahil sa taunang pagdiriwang ng mahal na araw at summer season.

Sinabi pa ni Candelario na sa susunod na linggo ay ilalagay na ang mga police assistance hub, motorist assistance center at road advisory sa mga pangunahing lansangan para gabayan ang mga moristang uuwi sa kani-kanilang lugar.

Kasabay nito, umapela naman ang pangasinan pnp sa publiko na umawain ang kanilang trabaho lalo sa ipinapatupad na check point.

Sakali naman aniyang may mapuna o reklamo sa mga nagpapatupad ng batas lalo sa mga checkpoint ay maaari itong idulog sa kanilang taggapan.

Speak Your Mind

*