P30 flag-down rate sa mga taxi sa buong bansa, permanente na

Permanente na ang trenta pesos na flag-down rate sa mga taxi.

Sa desisyong inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, matapos ang isang taong provisional flag-down rate ay ginawa nang permanente ang naturang taxi rate epektibo sa marso a-disi nwebe.

Three pesos at fifty centavos naman sa susunod na limandaang metro at three pesos at fifty centavos din sa kada siyamnapung segundo na waiting time.

Mula naman sa pitumpung piso ay sixty pesos na lang ang singil sa airport taxis.

Mas mababa naman ang flag-down rate sa Cordillera administrative region na mula trenta’y singko pesos ay trenta pesos na lamang.

Ayon sa LTFRB, kailangang i-calibrate ang mga taxi para mag-reflect sa metro ang mas mababang flag-down rate.

Mumultahan naman ng limang libong piso ang mga hindi magpapa-calibrate.

Ang pagbaba ng singil sa pasahe sa taxi ay bunsod ng mas mababang presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Speak Your Mind

*