Pag-angat ni Duterte sa survey patunay na dumadami ang mga naniniwala sa kanyang plataporma

Ikinatuwa ng kampo ni PDP Laban Standard Bearer Rodrigo Duterte ang resulta ng pinakahuling Pulse Asia Survey kung saan pumangalawa na sa pwesto ang alkalde ng Davao.

Ayon kay Maribojoc Town Mayor Jun Evasco na siya ring campaign manager ni Duterte, isang patunay ang nasabing survey na dumadami na ang bilang ng mga nakukumbinsi at naniniwala sa plataporma ni tinaguriang crime fighter ng Davao.

Aminado si Evasco na bagamat maraming mga lugar sa bansa ang kailangan pang mapuntahan ni Duterte ay kumpiyansa itong sa darating na halalan ay magtatagumpay ito sa kandidatura nito.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na ginanap nitong March 1 hannggang 7 naungusan na ni Duterte sina Vice President Jejomary Binay at Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas habang nananatili sa ika-unang pwesto si Sendor Grace Poe.

Speak Your Mind

*