Pag-iwas sa sunog, itinuro sa kindergarten sa Urdaneta

Hinangaan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Provincial Office ang pagbibigay ng sapat na atensyon ng mga kindergarten sa pagtuturo para maiwasan ang insidente ng sunog.

Sa panayam ng sonshine radio ay sinabi ni Chief Inspector Arthur Sawate, Provincial Marshal na ang pagbisita sa kanilang opisina ng mga kindergarten ay bahagi ng open house program ng bfp ngayong fire prevention month.

Sa pagtuturo ng BFP sa mga bata ay binigyang prayoridad din ang kahalagahan at gamit ng sirena at fire truck, lalo na kapag may sunog.

Pinayuhan rin ng BFP ang mga kidergarten na huwag humawak na kahit anong bagay na maaaring pagsimulan ng sunog.

Speak Your Mind

*