Pag-sugpo sa droga, ipinangako ni Duterte sa kanyang kampanya sa Pangasinan

DSC_0134Muling ipinangako ni Presidential Candidate and Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa harap ng mga Pangasinense na handa niyang sugpuin ang kurapsyon, katiwalian, droga at krimen na malaking problema na bansa.

Maghapon ang ginawang kampanya ni Duterte sa Pangasinan, kabilang na rito ang courtesy call kay Gov. Amado T. Espino Jr, at agad dumiritso sa Lingayen Plaza para magbigay ang mensahe sa humarap kanyang mga supporter at residente.

Dito inilabas ni Duterte ang kanyang sintimento sa talamak na droga at kriminalidad kahit saang lugar sa bansa na aniya sisira sa buhay ng mga kabataan.

Kasama ni Mayor Duterte ang kanyang running mate na si Vice Presidential Bet Senator Alan Peter Cayetano na nagtungo rin sa Lyceum Northwestern University Dagupan, City para himukin ang mga botante sa Pangasina

Speak Your Mind

*