Pagbili ng isang unit ng SUV para kay BM Ranjit Shahani, aprubado na

Aprubado na ng Provincial Board ng Pangasinan ang pagbili ng isang unit ng Sports Utility Vehicle (SUV) para sa opisina ni Board Member Ranjit Shahani.

Ayon kay Board Member Angel Baniqued Jr., ang may akda ng paukalang Provincial Resolution Number 1930-2016, ang nasabing behikulo ay gagamitin ni Shahani bilang kapalit ng government issued vehicle na nasangkot sa isang aksidente noong July 25, 2015.

Ang behikulo ay idineklarang beyond repair.

Ang pagbili ng nasabing behikulo ay susundin ang DILG Memorandum Circular patungkol sa patakaran sa pagbili ng lokal ng pamahalaan ng motor vehicles.

Speak Your Mind

*