Pagdo-donate ng dugo, muling apela ng Red Cross sa publiko

Hinihikayat ng Philippine Red Cross (PRC)–Pangasinan Chapter ang mamamayan na boluntaryong magbigay ng kanilang dugo para madagdagan ang buhay ng kapwa.

Ayon kay Flora Mae “Ging” Magalong, administrator ng PRC-Pangasinan Chapter, nitong buwan ng Disyembre at Enero ay konti lamang ang nag-donate ng dugo.

Sinabi naman ni Magalong na marami ang nagnanais magbigay ng dugo ngunit ang iba ay mababa o mataas ang blood pressure kaya hindi sila nakwalipika na maging blood donors.

Aniya, ang mga kwalipikadong magdonate ng dugo ay edad 16 hanggang 65, mayroong bigat na 110 pounds o 50 kilograms.

Sa araw ng pagbibigay ng dugo, ang donor ay hindi dapat naka-inom ng alak o gamot sa loob ng 24 oras.

Speak Your Mind

*