Paggamit ng timbangan, inire-rekomenda ng DTI sa mga mamimili

Patuloy ang pagprotekta ng Department of Trade and Industry (DTI) sa karapatan ng mga mamimili.

Hinihikayat ni Provincial Director Peter Mangabat ng DTI-Pangasinan ang konsumer na ugaliing gamitin ang timbangan ng bayan para masiguro na tama sa timbang ang mga pinamimili.

Ang DTI ay nagbigay ng “Timbangan ng Bayan” na may lagayan pang bakal sa mga pampublikong merkado sa lalawigan.

Tiniyak naman ni Mangabat na minomonitor ng ahensya ang mga timbangan para masiguro na ang mga unit ay gumagana at calibrated.

Gayunman, nabatid ng DTI na ang ilang units ay hindi na maayos na gumagana dahil sa hindi tamang paggamit.

Pinayuhan naman ni Mangabat ang mga lokal na pamahalaan sa pangasinan na bumisita sa pinaka-malapit na opisina ng Department of Science and Technology (DOST) para ma-calibrate ang timbangan.

Speak Your Mind

*