Pagkain ng Iron Fortified Rice, madaming benepisyo ang makukuha

Maraming benepisyo ang matatamo kapag kumain ng iron fortified rice, produkto ng Food and Nutrition Research Institute ng Departnment of Science and Technology (FNRI-DOST).

Ayon kay Dr. Imelda Agdeppa, Assistant Scientist ng FNRI-DOST sa pagkain ng fortified rice ay nadadagdagan ang sustansya ng katawan kaya siguradong maganda ang kalusugan.

Sa panayam ng sonshine radio ay sinabi pa ni Agdeppa na ang kumakain ng nasabing bigas ay malayo sa sakit kaya pwedeng makapag-trabaho ng mas maganda at makapag-isip ng mas malinaw.

Lumalabas rin sa FNRI-DOST Research na bumababa ang porsyento ng anemic sa hanay ng mga bata noong kumakain na ang mga ito ng iron fortified rice.

Speak Your Mind

*