Pagkakaroon ng Barangay MRF, mandatory ipinag-uutos ng LGU’s Bongabon

Mandatory na ipinalilikha ng lokal na pamahalaan ng Bayan ng Bongabon, Nueva Ecija ang pagkakaroon ng Barangay Material Recovery Facility o Barangay MRF.

Ito ang ipinahayag ni Menro Gil Dinglasan sa panayam ng sonhine radio.

Sinabin ni Dinglasan, na dahil sa mga Barangay MRF, tanging mga residual waste lamang na makukolekta ng munisipyo mula sa lahat ng barangay ang kanilang itatapon sa Sanitary Landfill sa Clark, Pampanga bilang short-term solution sa problema nito sa basura matapos ipasara ang kanilang open dumpsite.

Dagdag pa ni Dinglasan, bukod sa waste segregation, ipinatutupad na rin sa kanilang bayan ang plastic ban.

Bongabon, plano na ang pagtatayo ng sanitary landfill

Magtatayo ng sariling sanitary landfill ang pamahalaang lokal ng Bongabon, Nueva Ecija.

Ito ang ipinahayag ni Municipal Environment and Natural Resources Office Head Gil Dinglasan.

Aniya, taong 2018 nakatakdang simulan ang nasabing proyekto bilang long-term solution sa problema ng basurang kinakaharap ng bayan ng Bongabon.

Matatandaang nakatanggap ng unang warning mula sa DENR ang kanilang bayan hinggil sa pagkakaroon nito ng open dumpsite bilang paglabag sa Republic Act 9003 o Solid Waste Management Act.

Bukod sa bayan ng Bongabon, binalaan din ng DENR ang mga bayan ng Gen. Tinio, Cuyuapo, Jaen at San Isidro sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Speak Your Mind

*