Paglaganap ng dirty money, pinatututukan na ng Malakanyang sa Anti-Money Laundering Council

dirty-money-300x180Kumpiyansa ang Malacañang na matutunton ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang grupong nagpasok ng 100 milyong dolyar na dirty money sa banking system ng Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., na nakataya ang integridad ng financial system ng bansa.

Hahayaan ng AMLC ang grupong nagsagawa ng money laundering na makaligtas sa pananagutan sa batas.

Kung naging inutil aniya ang AMLC, sinabi ni Coloma na ngayon ang panahon para humingi sila sa kongreso ng karagdagang ngipin para masawata ang pagpasok ng dirty money sa bansa.

Base sa lumabas na balita, iniimbestigahan na ng AMLC ang money laundering activities ng isang grupo, kung saan naipasok nila ang 100 milyong dolyar mula sa na-hack na account sa Bangladesh.

Speak Your Mind

*