Pagpapalago sa dairy farming, isusulong sa Urdaneta City

Pumirma ang Urdaneta City local government, Tolong Dairy Farmers Association at Philippine Carabao Center (PCC) ng isang Memorandum of Agreement (MOA) para umpisahan ang pagpapalaganap ng dairy farming sa lungsod.

Ayon kay City Administrator Ronald San Juan, ang adbokasiya ay palaganapin ang papolasyon ng kalabaw hindi lang bilang pagkukuhanan ng produkto kundi ito ang simbolo ng Urdaneta.

Umaasa si San Juan na makakatulong ang PCC sa lokal na pamahalaan sa usaping teknikal, livelihood assistance, research and development.

Sa panayam ng sonshine radyo ay idinagdag pa ng City Administrator na pinaplano rin ng city government na magkaroon sila ng Carabao Center.

Speak Your Mind

*