Pagpapatupad ng bio-security program, ipinayo para iwas NCD

Pinapayuhan ng Provincial Veterinarian ng Pangasinan ang mga may alagang manok na magpatupad ng Bio-Security Program para makaiwas sa New Castle Disease (NCD).

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Dr. Jose Eric Perez ay sinabi nito na para hindi madapuan ng NCD ang alagang manok ay kinakailangan ng regular na disinfection at foot bath bago pumasok sa kulungan ng mga manok.

Paliwanag ni PEREZ na bago papasok sa kulungan ay dapat maglinis ng paa dahil kung nagkataon na napadpad ang tao sa lugar na may NCD ay madadala niya ito sa pupuntahang lugar.

Ang NCD Virus ay nadadala ng hangin na pwedeng kakapit sa damit, sapatos at tsinelas ng tao pagpunta sa isang lugar at kapag nadala niya ito ay tatamaan ang mga manok na hindi pa nababakunahan.

Dagdag ni Perez na maliit ang tiyansa na mabuhay ang manok na tinamaan ng NCD virus dahil ang mortality rate ng sakit ay 99 hanggang 100 percent.

Speak Your Mind

*