Pagpapatupad ng seguridad sa bayan ng Manaoag, ikinasa na ng PNP

Handang-handa na ang Manaoag Police sa ipapatupad na seguridad sa mahal na araw.

Ayon kay Police Chief Inspector Brendon Palisoc, OIC ng Manaoag, maaga pa lamang ay nakalatag na ang kanilang ipapatupad na security at contingency plan.

Inaasahan na sa Mahal na Araw ay dadagsain ng mga local at foreign tourists ang Our Lady of Manaoag Basilica Minore.

Sinabi ni Palisoc na batid niya na ang isang problema sa ganitong okasyon ay ang pagsalakay ng mga masasamang elemento, at ito rin ay kanilang napaghandaan na.

Ang mga police patrollers ay papalakarin sa maraming tao para ipaalala sa mga bisita na ingatan ang kanilang mga kagamitan.

Ipinapayo naman ng pulisya na upang maiwasan na mabiktima ng kawatan, ilan sa mga dapat gawin ay ilagay sa harapan ang bag, huwag magsuot ng mga nakakasilaw na alahas at kung maaari ay huwag ding magdala ng mga mamahaling mga gamit.

Speak Your Mind

*