Pagproseso ng business name sa DTI, mas pinadali

Ilang minuto lamang ang pagproseso ng business name sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ito ang sinabi ni Natalie Dalaten, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan at dagdag niya na makukumpleto ang pagproseso sa loob lamang ng kulang labing limang minuto.

Ayon kay Dalaten, kung kumpleto ang mga kinakailangang dokumento para sa pagproseso ng business name ay aabutin lamang ito ng tatlo hanggang limang minuto.

Gayunman, maaantala ang pagproseso kung sakaling mabagal o walang internet connection.

Ang DTI-Pangasinan ay makakapag-proseso ng hanggang 65 na aplikasyon para sa bagong i-re-rehistro ng business name at business name renewal kada araw.

Speak Your Mind

*