Pambansang kamao Manny Pacquiao, pinayuhang ipagpaliban muna ang kaniyang laban kay Timothy Bradley

Manny-Pac-300x180Dumistansiya ang Malacañang sa babala ng isang komisyuner ng Commission on Elections (COMELEC) na maaaring madiskuwalipika sa senatorial race si boxing icon at Saranggani Rep. Manny Pacquiao.

Ito’y kung ipapalabas sa Pilipinas ang laban ni Pacquiao kay Timothy Bradley ngayong Abril 9 sa Las Vegas, Nevada.

Sinabi ni Presidential Communications Sec. Herminio Coloma Jr., na kinikilala at iginagalang ng palasyo ang trabaho ng COMELEC na mag-regulate ng mga aktibidad ng bawat kandidato sa panahon ng eleksyon.

Si Pacquiao ay kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA) sa ilalim ni presidential bet Jejomar Binay.

Una rito, nagbabala si COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na puwedeng madiskuwalipika si Pacquiao sa kandidatura nito sa may elections kung ipapalabas sa telebisyon at sinehan ang ikalawa niyang laban kay Bradley.

Speak Your Mind

*