Pangasinan PNP, tudo bantay sa nalalapit na halalan sa Mayo

Mahigpit nang naka-antabay ang Pangasinan Provincial Police Office o PPPO sa buong lalawigan ng Pangasinan kasabay na ang paghahanda sa nalalapit na eleksyon sa darating na Mayo a-nuebe.

Ito ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Provincial Director for Operation ng PPPO sa naganap na KBP Forum ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas o KBP Pangasinan Chapter.

Sinabi ni Caldelario na tudo alerto ang pulisya katuwang ang Comelec sa pagbabantay upang maiwasan ang ibat-ibang election related incident lalot kabilang ang Pangasinan sa Election Watchlist Area sa buong bansa.

Mas pinagting na umano ng pulisya ang check point operation mula sa dating dalawang beses kada araw, ngayon ay ginawa na itong kada oras kung saan isinasagawa ang checkpoint sa kada bayan ng probinsya.

Speak Your Mind

*